Anim naitalang patay sa sunog sa Novaliches, QC
September 15, 2018

Anim ang patay sa sumiklab na sunog sa Shop ‘N Ride na isang commercial area sa bahagi ng Gen. Luis, Novaliches Proper, Quezon City.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Fire Inspector Rosendo Cabillan, hepe ng Investigation and Intelligence Section ng Quezon City Fire District.

Ayon kay Cabillan, patuloy ang pag-proseso sa mga bangkay upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga biktima.

Pasado alas12:00 ng madaling araw nang maireport sa mga otoridad ang sunog na umabot sa ikatlong alarma bago naideklarang kontrolado makalipas ang mahigit isang oras. | Ulat ni Shane Juan