?????????? ?? ????????????? ?? ????-?? ?????? ????????? ?? ??? ????? ???????????? ?????????, ????????? ?? ?? ???

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinalawig pa ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa anim na buwan ang suspensyon sa pangongolekta ng Feed-in Tarrif Allowance of Fit-all ng mga power distribution companies sa bansa.

Ayon sa ERC, ito’y upang maibsan ang bigat ng taas ng presyo ng kuryente sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.

At bilang tugon nito sa pagtaas ng inflation rate sa bansa kaya nagkaroon ng re-evaluation ang ERC sa pagsususpensyon nito ng fit-all charges.

Kaugnay nito, muling mag-uupisa ang suspensyon ng naturang fit-all charges sa susunod na buwan ng Marso hanggang sa Agosto.

Matatandaang ang Feed-in Tarrif Allowance ay para sa mga on-grid areas na gumagamit ng renewable energy resource sa bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us