Nakakuha ng commitment si House Deputy Speaker Aurelio βDongβ Gonzales mula sa North Luzon Expressway (NLEX) Corporation na magagamit ng mga motorista ngayong Holy Week ang kahabaan ng NLEX Candaba viaduct.
Ayon kay Gonzalez, nangako ang NLEX na matatapos ang isinasagawang retrofitting sa southbound lane ng 6.8-kilometer Candaba viaduct bago pa man ang dagsa ng mga biyahero para sa Mahal na Araw.
Ani Gonzalez, magandang balita ito hindi lamang para sa kaniyang mga kababayan sa Pampanga ngunit lalo na para sa libo-libong motorista na bumibiyahe sa iba’t ibang tourist destination sa Norte.
Inaasahan naman na sisimulan ang konstruksyon ng ikatlong Candaba viaduct sa Mayo na posibleng matapos Disyembre ng susunod na taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
?: NLEX Corporation