????????? ?????? ?? ??????? ?? ????, ?????? ?? ????? ₱?-? ?? ???? ?????? ?? ? ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pumalo sa higit ₱931,300 ang benta ng Kadiwa ng Pangulo sa Cebu, sa loob lamang ng dalawang araw matapos itong buksan, sa pangunguna mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, mula November 5 hanggang December 31 noong nakaraang taon, ang mga Kadiwa Store, Kadiwa Pop-up Store, Kadiwa on Wheels, at Kadiwa ng Pasko sa iba’t ibang lugar sa bansa ay nakapag-generate ng higit ₱136 million sales.

Sa kasalukuyan, nasa higit 500 na ang Kadiwa stores sa bansa.

Kung matatandaan, una na ring tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang administrasyon, patuloy sa paggawa ng mga hakbang upang matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at matiyak ang food supply sa bansa.

Ang mga hakbang na ito ayon sa pangulo, ang siya namang tutulong sa administrasyon na maabot ang target nito na sa pagtatapos ng termino ng Marcos Administration, wala nang Pilipino ang magugutom. | ulat ni Racquel Bayan

Photo: Presidential Communications Office

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us