Nakatakdang magtungo muli si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzaga sa Oriental Mindoro ngayong araw para tutukan ang mga lugar na naapektuhan ng oil spill.
Ayon sa DENR, makikipagpulong ang kalihim kay Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor at bibisita rin sa Brgy. Calima sa Pola.
Makakasama ng kalihim ang ilang miyembro ng DENR Task Force kabilang si Undersecretary Jonas Leones.
Nauna nang sinabi ng DENR na magde-deploy ito ng remotely-operated vehicle (ROV) para maberipika ang posibleng lokasyon ng lumubog na MT Princess Empress.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DENR na magpapatuloy pa rin ang interventions nito gaya ng clean up drive para mapigilan ang tuluyang paglawak ng epekto ng oil spill sa karagatan. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: PCG