???? ???. ???????, ??????? ?? ???????? ??????? ???? ?????? ??? ????? ?? ??? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtutungo si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga sa Oriental Mindoro para deteminahin ang lawak ng oil spillage sa karagatan.

Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na may halo nang industrial fuel oil ang karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro dahil sa oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.

Ayon sa kalihim, nakatutok na ngayon ang mga tauhan ng DENR sa coastal clean-up at containment efforts habang ang PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) naman ang nagsasagawa ng marine response.

Pinakilos na rin aniya ang mga dive team para magsagawa ng rapid assessment sa coastal at marine habitat gaya ng mga bahura, bakawan, at mga lamang dagat.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang DENR sa pribadong sektor at ilang marine scientist para tumulong sa assessment sa apektadong baybayin.

Tiniyak naman ng kagawaran na magdodoble kayod sila para hindi lumawak ang epekto ng oil spill sa marine ecosystem at matulungan ang mga apektadong komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us