?????, ???-??????? ??? ????????? ?? ????. ?????? ??. ?? ??? ????????????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aralan ang mungkahi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.

Kabilang sa tinukoy ng Pangulo ang pangangailangan na mas maplantsa ang implementasyon ng programa, at masilip ang kondisyon ng ilang traditional jeepneys kung maaari pang pahintulutang makapasada ang mga ito.

Ayon kay LTFRB Chair Atty. Teofilo Guadiz, kasama ito sa ikukunsidera ng board sa kanilang ilalabas na bagong memorandum circular sa mga susunod na araw.

Pag-aaralan din aniya ang posibilidad na hindi mawala ang prangkisa ng mga jeepney operator kahit sumali sa kooperatiba.

Nauna nang inanunsyo ng LTFRB na extended hanggang December 31 ang deadline para sa pagbuo ng kooperatiba ng mga tradisyonal na jeep.

Ito ay alinsunod aniya sa naging direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at gayundin ang naging pahayag ni Pangulong Marcos na plantsahin ang implementasyon ng PUV Modernization Program. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: Office of the President

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us