Wala pang plano ang Department of Education (DepEd) na ibalik ang bakasyon ng mga mag-aaral sa Abril hanggang Mayo sa gitna ng tumitinding init ng panahon sa bansa.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ipinauubaya sa school heads ang suspensyon ng face-to-face classes kung hindi maayos ang kapaligiran para sa pagtuturo.
Gayunman ay pag-aaralan aniya ng ahensya ang lahat ng suhestiyon.
Sa naunang statement ay maaaring magpatupad ang mga paaralan ng alternative delivery mode o blended learning.
Si Senador Sherwin Gatchalian ang nagrekomendang napapanahon nang ibalik sa Abril hanggang Mayo ang “summer break” ng mga mag-aaral.
Kasunod ito ng insidente sa isang paaralan sa Cabuyao City, Laguna kung saan isinugod sa ospital ang mahigit 80 mag-aaral matapos mahimatay sa kasagsagan ng surprise fire drill. | ulat ni Hajji Kaamiño