Welcome sa Department of Finance ang House approval sa panukalang National Government rightsizing Bill.
Maalalang inaprubahan ng House of Representatives sa pangatlo at huling pagbasa ang proposed National Government Rightsizing Act.
Ayon kay Secretary Benjamin Diokno, buo ang kanilang suporta sa Rightsizing Bill na isa sa priority bill ng Marcos Jr. administration na naglalayong i-streamline at i-modernisa ang sistema sa gobyerno at itaas ang overall productivity tungo sa mas dekalidad na serbisyo-publiko.
Umaasa naman ang DOF na aaprubahan ng Senado ang naturang panukala upang mas maging episyente at epektibo ang bureaukrasya habang direktang maitutuon ang paggasta ng gobyerno sa social services, human capital development, at infrastructure.
Paliwanag pa ng kalihim na ang rightsizing ay suporta sa Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) upang may maipon na pondo na siyang gagamitin sa infrastructure spending.
Kapag tuluyan nang maging batas, lilikha naman ng Committee on Rightsizing sa Executive Branch (CREB) na siyang mangangasiwa sa pagpapatupad ng Rightsizing Program upang matiyak ang transparency at partisipasyon ng mga kinauukulang ahensya ng gobierno. | ulat ni Melany Valdoz Reyes