Nagpahayag ng pagsuporta ang German Chamber of Commerce sa kampanya ng Marcos administration sa pagsusulong ng Clean Energy Program sa bansa.
Ayon kay German-Philippine Chamber of Commerce Executive Director Christopher Zimmer, buo ang suporta nito sa kasalukuyang administrasyon sa pagsusulong ng malinis na enerhiya sa bansa.
Dagdag pa ni Zimmer na limang kumpanya mula sa kanilang bansa ang nais mamuhunan sa Pilipinas sa sektor ng enerhiya upang makatulong sa pagkakaroon ng malinis na mapagkukunan ng enerhiya sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay nagpasalamat naman si Department of Energy (DOE) Energy Utilization Management Bureau Director Patrick Aquino sa pagsuporta ng naturang bansa sa pagkakaroon ng malinis at supisyenteng kuryente sa ating bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio