Higit ₱120-M halaga ng smuggled agri-fishery products, nasabat ng DA sa Navotas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa ₱120-milyong halaga ng puslit na agri-fishery products ang nasamsam ng Department of Agriculture-Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA-IE) katuwang ang Navotas LGU, Bureau of Customs (BOC), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Meat Inspection Service (NMIS), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) sa serye ng raid na isinagawa sa Navotas City.

Pitong warehouse ang pinuntirya sa joint raid operations kung saan nadiskubre ang mga frozen meat, poultry, at fishery commodities.

Kabilang dito ang frozen pompano, pangasius, shrimp, chicken, frozen beef, at frozen pork sa dalawang warehouse sa 81 at 72 Bernardo Street, San Rafael Village, Navotas City.

Mayroon ding mga tagong cold storage facilities ang nadiskubre sa George Street, San Rafael Village na nag-ooperate sa ilalim ng trucking services registration.

Laman ng dalawang freezers ang iba’t ibang meat products, gaya ng frozen pork, poultry, beef, at fish.

Sa Semion De Jesus Street sa San Rafael Village, isa ring one cold storage unit at dalawang reefer vans ang nasamsam na may lamang frozen flank beef, poultry meat, frozen spare ribs, frozen pork parts, at frozen squid rings.

At isa pang storage room sa Escolda Street ang tinarget ng operasyon kung saan nakitang nakasalansan lang sa lupa ang mga frozen beef flank, frozen pork aorta, frozen boneless beef, at frozen Pacific Saury.

Ayon kay Assistant Secretary James Layug, delikado para sa mga consumer ang mga naturang puslit na produkto dahil walang mga sanitary at phytosanitary clearance ang mga ito mula sa Food Safety Regulatory Agency (FSRA).

Desidido naman ang DA na ipasara ang mga nadiskubreng warehouse at panagutin ang mga may-ari nito dahil sa pagbebenta ng
smuggled agri-fishery commodities.

Sasampahan rin ng DA ang mga ito ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10611, o Food Safety Act of 2013, at Republic Act No. 10845, o Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us