Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) ang pambihirang imbensyon ng mga guro at mag-aaral ng Timoteo Paez Integrated School sa Balut, Tondo sa Maynila.
Ito’y para mabigyang solusyon ang lumalaking problema sa basura gayundin ang kakulangan ng maayos na daan sa kanilang lugar.
Dahil sa pagtutulungan, nakalikha ang Grade 8 learner na si John Paul Ralloma, Techer III Ma. Socorro Lozano at ang School Head na si Sonny Valenzuela ng Hairplasticblock.
Isa itong pavement block na gumagamit ng mga gamit na plastic bag at buhok mula sa mga barberiya at semento na maaaring ilagay sa mga eskinita o maliliit na daanan.
Umani ng kaliwa’t kanang parangal sa ibayong dagat ang likhang tuklas na ito tulad ng Bronze Prize mula sa National Research Council of Thailand, Special Award of Excellence Invention Plaque mula sa Kemeterian Pendidikan Malaysia, Diploma Special Award mula Haller Pro Inventio Foundation sa Poland, at marami pang iba
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan ng grupo kung paano mas mapapaunlad ang hairplastiblock tulad ng paglalagay ng kulay at iba’t ibang hulma nito upang mas maging angkop at kapaki-pakinabang sa mga pamayanan. | ulat ni Jaymark Dagala
?: DepEd