Muling siniguro ng Department of Finance na maayos na maipatutupad ang infrastructure flagship project ng Marcos administration na naaprubahan ng National Economic and Development AuthorityΒ (NEDA).
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, kabilang sa mga tinututukan ng Marcos administration sa sektor ng imprastraktura ay ang physical and digital connectivity, water resources, health, power, at agriculture infrastructure.
Dagdag pa ni Diokno, na kabilang din sa pinagtutuuan ng pansin ng administrasyon ay ang Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) upang suportahan total expenditures ng ating bansa.
Kaugnay nito, malaki rin ang magiging papel ng mga Public-Private Partnerships sa mas maayos na paglulunsad ng mga proyekto lalo sa sektor ng transportasyon. | ulat ni AJ Ignacio