?????? ????????? ?????? ?? ??? ????????: ??? ???? ????? ?? ?????? ?? ??????? ???????, ????????? ?? ?????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa mga otoridad na agad na arestuhin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.

Napag-alaman na nasawi si Salilig mula sa mga injury na natamo nito sa hazing.

Giit ni Zubiri, dapat matiyak na maipaparamdam sa mga suspek ang buong pwersa ng Anti-Hazing Law.

Malinaw aniya ang nakasaad sa batas, na ang sinumang makikiisa sa hazing na magreresulta sa pagkamatay ng biktima ay mapaparusahan ng reclusion perpetua.

Binigyang diin ni Zubiri, na hindi dapat kinokonsinte ang hazing at may mga batas na tayong magtitiyak na hindi na mangyayari ang ganito sa mga kabataan, para lamang sa sinasabing samahan.

Tinawag rin ng senador, na kasuklam-suklam ang culture of secrecy na itinatago sa maskara ng kapatiran.

Dapat aniyang panagutin sa batas ang bawat indibidwal na sangkot sa pangyayari, mula sa mga nagplano ng hazing, mga nagsagawa nito, at kahit ang mga naroon lang pero walang ginawa para pigilan ang hazing. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us