Rightsizing sa Executive branch, para lamang sa pagpapaigting ng government services, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral pa ng kasalukuyang set-up sa executive branch, upang ma-determina ang mga redundant position, at mga function na maaari namang pag-isahin. Ito ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ang isa sa napag-usapan sa cluster meeting sa MalacaƱang ngayong araw, na sumentro sa National Government Rightsizing… Continue reading Rightsizing sa Executive branch, para lamang sa pagpapaigting ng government services, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng dalawang bagong opisyal sa NBI

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ng dalawang bagong direktor sa National Bureau of Investigation (NBI). Ito ayon kay PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ay sa katauhan nina Director Noel Cruz Bocaling at Director Romel Tuazon Papa, na kapwa mayroong ranggong Director IV. Papalitan ng mga ito ang pwesto nina Director Vicente De… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagtalaga ng dalawang bagong opisyal sa NBI

Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa ilang bus terminal ngayong hapon

Nagsimula nang dumagsa ngayong hapon ang mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan sa 5 Star bus terminal sa Quezon City. Ayon sa pamunuan ng bus company, magtutuloy-tuloy na ang dating ng mga pasahero hanggang bukas. Tiniyak nitong sapat ang kanilang units para maisakay ang mga pasahero. 24 oras din ang biyahe ng mga bus sa… Continue reading Mga pasahero, nagsimula nang dumagsa sa ilang bus terminal ngayong hapon

Trak na may dalang relief goods, naaksidente sa Maragusan, Davao de Oro

Agad na dinala sa Davao de Oro Provincial Hospital sa bayan ng Maragusan ang 10 sakay kabilang na ang driver ng isang trak matapos itong matumba sa Purok Managhiusa, Barangay Tandik, Maragusan, Davao de Oro. Sa impormasyon mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ng driver na si Adrian Buhat, 50 anyos,… Continue reading Trak na may dalang relief goods, naaksidente sa Maragusan, Davao de Oro

Imbestigasyon sa mga pulis na idinawit sa mga kaso ng pagpatay sa Negros Oriental, tiniyak ni PNP OIC Sermonia

Tiniyak ni PNP Officer in Charge, Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Rhodel Sermonia na dadaan sa kaukulang imbestigasyon ang mga pulis na idinawit sa iba pang kaso ng pagpatay sa Negros Oriental. Ang pagtiyak ay ginawa ni Sermonia kasunod ng pagbubunyag kahapon sa pulong balitaan sa Camp Crame ng abogado ng pamilya ng… Continue reading Imbestigasyon sa mga pulis na idinawit sa mga kaso ng pagpatay sa Negros Oriental, tiniyak ni PNP OIC Sermonia

Send-off ceremony para sa security contingent, isinagawa sa NAIA

Nagsagawa ng send-off ceremony ang MIAA sa NAIA. Ito ay para sa ‘Oplan Ligtas Biyahe 2023’ ngayong Semana Santa. Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong umaasa sila na magiging matiwasay ang sitwasyon sa mga susunod na araw. Mula sa iba’t ibang unit ng pamahalaan ang magbibigay seguridad sa paliparan kabilang na ang Aviation Security… Continue reading Send-off ceremony para sa security contingent, isinagawa sa NAIA

Mga nagsasagawa ng ‘illegal quarrying’ sa Rodriguez, Rizal, inaresto ng NBI

14 na katao na sangkot sa illegal quarrying operations sa lalawigan ng Rodriguez, Rizal ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation. Sa ulat ng NBI – Environmental Crimes Division, ang mga hinuli ay mga tauhan ng RODROCK AGGREGATES CORPORATIONS na umano’y nagsasagawa ng illegal quarrying activities sa lalawigan sa kabila ng Stoppage… Continue reading Mga nagsasagawa ng ‘illegal quarrying’ sa Rodriguez, Rizal, inaresto ng NBI

Pagsisimula ng Balikatan Exercise sa susunod na Linggo, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines at United States Military ang pagsisimula ng Balikatan joint military exercise sa susunod na linggo. Ang pinagsanib na ehersisyo na pinakamalaki sa kasaysayan ng dalawang bansa ay lalahukan ng 5,400 tauhan ng AFP at 12,200 Amerikanong sundalo simula sa Abril 11 hanggang Abril 28.… Continue reading Pagsisimula ng Balikatan Exercise sa susunod na Linggo, pinaghahandaan na

200 drivers, konduktor sa Davao City, isinailalim sa surprise drug test

Isinailalim sa surprise drug test ang nasa 200 drivers at konduktor sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) bilang bahagi ng Oplan Harabas at paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Holy Week. Maliban sa drug test, ininspeksyon rin ang mga Public Utility Bus (PUB) upang masiguro na nasa mabuti ang kondisyon ng mga… Continue reading 200 drivers, konduktor sa Davao City, isinailalim sa surprise drug test

PNP, pinaiiwas sa ‘real time posting’ sa social media ang mga bakasyunista ngayong Semana Santa

Pinapayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasan na muna ang real time na pagpo-post sa social media kaugnay sa kanilang bakasyon, ngayong Semana Santa. Paalala ito ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo upang makaiwas ang publiko sa mga mananamantala sa pagiging abala o pagbiyahe ng malayo at matagal ngayong Holy Week. Sa… Continue reading PNP, pinaiiwas sa ‘real time posting’ sa social media ang mga bakasyunista ngayong Semana Santa