Expanded coverage, benepisyo para sa mga miyembro ng PHILHEALTH, ilalarga na

Facebook
Twitter
LinkedIn

???????? ????????, ????????? ???? ?? ??? ???????? ?? ??????????, ???????? ??

Nakatakda nang pagulungin ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) ang expanded coverage at benefits para sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay PHILHEALTH President at CEO Emmanuel Ledesma, kabilang sa mga kanilang ipatutupad ay ang pagdaragdag ng outpatient hemodialysis session sa 156 mula sa dating 90.

Dahil dito, tiyak na masusuportahan na ng PHILHEALTH ang buong 3 buwang sessions ng bawat pasyente kada linggo sa loob ng isang buong taon.

Paliwanag ng PHILHEALTH Chief, nakabatay sa standards ng adequate dialysis ang pagdaragdag ng mga session para sa mga nasa stage 5 Chronic Kidney Disease na nangangailangan ng tatlong session kada linggo na tumatagal ng tig-apat na oras.

Una nang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang PHILHEALTH na dagdagan ang mga benepisyo at isama rito ang mga outpatient mental health package at outpatient therapeutic care package para sa sever acute malnutrition sa mga batang may edad 5 pababa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us