Nagpaalala si ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes sa posibleng banta sa kalusugan ng sobrang init na panahon kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Reyes, ang sobrang pagbilad sa araw ay maaring magdulot ng cramps, exhaustion, o mas ang malalala ay fatal heat stroke.
Panawagan ng partylist solon sa mga bakasyunista na mag-ingat at unahin ang kalusugan at kaligtasan ngayong Lenten break.
Pinayuhan din nito ang publiko na sundin ang health tips na inilabas ng Department of Health upang maiwasan ang heat stroke at iba pang heat illnesses, kabilang dito ang pag-inom ng sapat na dami ng tubig at iwasan muna ang pag-inom ng tea, coffee, soda, at alcohol, limitahan ang oras sa sikat ng araw at itaon ang outdoor activity kapag hindi na masyadong mainit o tirik ang araw. | ulat ni Melany Valdoz Reyes