Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas para sa potensyal nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa, at magbunga ng oportunidad para sa dagdag na kita ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, umapela si Legarda na maipasa na kaagad ang Senate Bill 870, na layong tugunan ang mga hamon para maging competitive ang ating industriya ng pag-aasin sa local at international markets.

Ipinunto ni Legrada, na bilang isang archipelagic country ay napakarami dapat na oportunidad para sa salt industry na makakatulong sa ekonomiya ng ating bansa…

Gayunpaman, ang realidad sa ngayon ay patuloy na lumiliit ang naturang sektor at nasa panganib pa na tuluyang pagkawala.

Kaya naman para mapalakas ang local salt production ng Pilipinas, hiniling ni Legarda ang pagbibigay ng sapat at nakakaengganyong insentibo para sa mga investor na makakatulong naman para mabawasan ang pagiging dependent ng ating bansa sa pag-aangkat ng asin. 

Dagdag pa rito ang pagprayoridad sa mga salt farmer sa financial at technical assistance, pagkakaroon ng mas mahusay na polisiya gayundin ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at stakeholders, para sa pagbuo at pagpapatupad ng Philippine Salt Industry Development Roadmap. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us