Bilang ng evacuees sa Albay, higit 15,000 na — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga pamilyang nananatili sa evacuation centers kasunod ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 13, aabot na sa 4,415 ang bilang ng mga pamilya o katumbas ng 15,493 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Higit 185 pamilya rin ang pansamantalang nakikitira muna sa kanilang kaanak.

Kaugnay nito, nakapagtala na ang DSWD ng higit 37,000 indibidwal ang apektado ng mataas na aktibidad ng Mayon Volcano.

Abala pa rin naman sa relief operations ang DSWD na nakapaghatid na ng halos ₱33-milyong halaga ng assistance sa mga apektadong LGU.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us