Welcome para kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang desisyon ng Supreme Court na ideklarang unconstitutional ang RA 11935 o pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Aniya ang desisyong ito ng Korte Suprema ay nagpapatunay na tama ang kanilang pagtutol sa naturang batas dahil sa labag ito sa ating Saligang Batas.
Paalala ng kongresista na ang right to suffrage ng mga botante ay kailangan igalang at sundin salig sa nakasaad na interval o schedule ng halalan.
“The Supreme Court decision declaring unconstitutional Republic Act No. 11935, which again postponed the barangay and SK elections (BSKE), sustains my position and those of a few other legislators that the challenged statute violates the Constitution. The electorate’s right of suffrage must be exercised in determinable intervals and regularly scheduled elections.” ani Lagman
Sinusuportahan din aniya nito ang kanilang argumento na unconstitutional ang paggamit sa pondo ng ipinagpaliban na BSKE para sa pandemic response.
Magkagayonman, sang-ayon si Lagman na sa kabila ng pagiging labag sa Saligang Batas ng RA 11935 ay dapat pa rin ituloy ang BSKE sa October 30, 2023 basta’t titiyakin na isasagawa ang susunod na eleksyon sa unang Lunes ng 2025 at regular nang gaganapin sa loob ng kada tatlong taon.
“We agree with the Supreme Court that despite the unconstitutionality of RA 11935, due to “legal practicality and necessity” the BSKE set on October 30, 2023 must push through, but the next BSKE must be held on the first Monday of December 2025 and regularly every three years thereafter.” dagdag ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes