Timbog ang isang empleyado ng Local Government Unit ng Hagonoy, Davao del Sur kahapon sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency 11 (PDEA 11) kasama ang Hagonoy Municipal Police Station.
Kinilala ng PDEA 11 ang nahuling suspect na Elvin Dapin, 36 anyos at residente ng Barangay San Isidro sa bayan ng Hagonoy.
Sa report, nahuli si Dapin bandang alas 12:52 ng hating gabi ng Hunyo 16, 2023 matapos bentahan ng isang gramong scahet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,000 sa ahente ng PDEA 11.
Agad namang kinapkapan ang suspek at dito nakuha ang ibang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na 12 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P81,600 kasama ang isang revolver at iba pa.
Patong-patong na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 ang isasampa laban sa suspek.
Dagdag ng PDEA 11 na kapag napatunayang guilty si Dapin sa nasabing ilegal na aktibidad, mapapatawan ito ng absolute perpetual disqualification na makapag-trabaho sa anumang public office. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao