Higit 2,000 katao, nakinabang sa inilunsad na “Lab for All” caravan sa Central Luzon – DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigit sa 2,141 beneficiaries ang nag-avail ng libreng healthcare services sa “Laboratoryo, Konsulta, at Gamot para sa Lahat” (Lab for All) caravan sa Central Luzon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., magkasunod na inilunsad ang Lab for All Program sa San Fernando City sa Pampanga at sa Tarlac, na pinangunahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos, Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Layon nito na makapagbigay ng maayos na primary health care services sa mamamayan lalo na sa mga mahihirap.

Kaugnay nito, hinimok ng kalihim ang local government units sa Central Luzon na suportahan ang programa ng pamahalaan.

Ang ikatlong Lab for All Caravan ay ilulunsad naman sa Bataan sa Agosto.

Sabi pa ng kalihim, sa susunod na limang taon maikakalat na sa iba’t ibang parte ng bansa ang nasabing programa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us