MIAA, nag-abiso hinggil sa mga kanseladong biyahe sa NAIA ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang nasa apat na biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon sa destinasyon.

Kabilang sa mga nakansela ay ang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) Express flight 2P 2932 at 2P 2933 na biyaheng Manila patungong Basco at pabalik.

Nakansela rin ang biyahe ng AirSWIFT flight T6 542 at T6 543 na biyaheng Manila patungong Busuanga at pabalik.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund sa kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us