Pinakikilos ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang pamahalaan na imbestigahan ang reklamo laban sa budget carrier na Cebu Pacific.
Ayon sa mambabatas, kailangang silipin ang pananagutan ng airline company sa mga pasahero na kanilang ino-offload dahil sa overbooking at glitches sa mismong pagbo-book ng flight.
Maliban dito, kailangan din aniyang alamin ng mga otoridad kung naibibigay ba ng tama ang karampatang kompensasyon para sa mga apektadong pasahero.
Hiling din ng lady solon sa Department of Transportation, na repasuhin ang panuntunan na po-protekta sa karapatan ng mga airline passenger na apektado ng offloading at overbooking.
Pinaplantsa na lamang aniya nila ang resolusyon para itulak ang masinsinang pagsisiyasat hinggil sa reklamo sa Cebu Pacific.
“We will file a resolution to conduct a thorough investigation into the complaints against Cebu Pacific and other airlines. We also urge the government to come up with concrete measures to protect the rights and welfare of passengers.” diin ni Brosas. | ulat ni Kathleen Forbes