Sec. Gibo Teodoro, hihingi ng karagdagang pondo sa Kongreso para sa DND at AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hihingi ng karagdagang pondo ang bagong-upong Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa Kongreso para sa kagawaran at sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kanyang unang press conference sa Camp Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Teodoro na kailangang magkaroon ng sariling budget ang DND proper para mas epektibo nitong mapamahalaan ang AFP at ang mga iba pang ahensyang nasa ilalim nito.

Masyado aniyang konti ang 400 tauhan ng DND para pamahalaan ang AFP, na pinakamalaking ahensya ng pamahalaan.

Kaugnay naman ng modernisasyon ng AFP, sinabi ni Teodoro na ang “ideal” na gastusin para sa depensa ay dalawa hanggang tatlong porsiyento ng gross domestic product ng bansa (GDP).

Sinabi ng kalihim, sisikapin niyang makakuha ng pondo para lubusang maisulong ang pagbili ng mga bagong kagamitan ng AFP sa ilalim ng modernization program.

Paliwanag ng kalihim, ang pagbili ng bagong kagamitan ay “necessary expenses” na kung hindi mabibili ngayon ay magiging lagpas triple na ang presyo sa hinaharap. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us