• Home
  • National
  • Regional
  • Business
  • Police
  • Home
  • National
  • Regional
  • Business
  • Police
  • National, Politics, RP1

Bagong governance slogan ng administrasyon, magsisilbing gabay sa maayos na pamamahala ayon kay Senador Jinggoy

  • July 18, 2023
  • 1:55 am
Facebook
Twitter
LinkedIn

Maituturing na gabay para sa maayos na pamamahala sa bansa ang bagong brand ng governance at leadership ng administrasyon na “Bagong Pilipinas” ayon kay Senador Jinggoy Estrada.

Ggiit ni Estrada, ang bagong brand na ito ay hindi lang basta tungkol sa image-building.

Kalakip aniya nito ang pagpapatupad ng mga polisiya at inisyatibo na nagtataguyod ng transparency, paglaban sa korapsyon at pagpapaangat ng buhay ng mga Pilipino.

Dinagdag rin ng senador na magsisilbi rin itong guidepost o vision para sa isang bagong pilipinas…na isang bansang bukas sa positibong pagbabago at progresibong pamamahala.

Iginiit pa ni Estrada na kailangan ng bansa ang gobyerno na responsive, accountable, at dedicated sa kapakanan ng taumbayan.

sa kabilang banda, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na hindi naman slogan lamang ang kailangan upang matiyak ang maayos na pamamahala sa bansa.

Ayon kay Hontiveros na dapat naglatag muna ng mga magaganda at epektibong programa na nararamdaman ng taumbayan.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Facebook-f Twitter Youtube

Recent Posts

“Confiscate-and-go” policy, iminungkahi ng isang mambabatas sa gitna ng pagsulpot muli ng ‘Tanim Bala’ modus

Read More »

Online renewal ng driver’s license, pinaboran ng ilang motorista sa QC

Read More »

Eastern Samar State University, kinilala bilang isa sa mga pinakamahusay na unibersidad sa buong mundo

Read More »

Follow Us