BFP, tumulong sa paglikas ng mga binahang residente sa Bacolod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatutok na rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga ikinakasang rescue operations sa gitna ng pananalasa ng habagat at bagyong Egay sa bansa.

Sa Bacolod City, agad na inactivate ng Bacolod City Fire Station ang “OPLAN PAGHALASA,” o ang emergency evacuation plan nito para sa mga binabahang lugar.

Tumulong ito para mailikas ang mga residente sa ilang barangay na nakaranas ng mga pagbaha kabilang ang Purok Hanapbuhay Brgy. Pahanocoy, Purok Mars Brgy. Singcang-Airport, Fatima Dos, Brgy. Sum-ag, Kabulakan Uno, Brgy. Singcang-Airport, Brgy. 39, at sa Libertad Ext., Purok Paghidaet, Brgy. Pahanocoy.

Sa kabuuan, nasa 139 na indibidwal ang natulungang mailikas ng Bacolod City Fire Station at inihatid sa evacuation centers.

Kabilang naman sa idineploy para sa rescue operations ang 10 Fire Trucks at isang Rescue Truck mula sa BFP Special Rescue Force – Negros Occidental. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us