DMW, nakikipag-ugnayan na sa Hong Kong Police kaugnay sa pagkamatay ng isang Pinay OFW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na magbibigay ito ng tulong sa pamilya ng Pinay na domestic helper, na natagpuang patay sa Hong Kong.

Sa isang pulong balitaan, nagpaabot ng pakikisimpatiya si DMW Undersecretary Hans Cacdac sa naiwang pamilya ni Nery, hindi niya tunay na pangalan, na nagtagpuang patay sa Tsing Yi pier matapos maiulat na nawawala ng ilang araw.

Ayon kay Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang DMW at ang Philippine Consulate General sa mga awtoridad ng Hong Kong kaugnay sa imbestigasyon ng pagkamatay ni Nery.

Sinabi rin ng opisyal, na hiniling naman ng pamilya ng Pinay overseas Filipino worker (OFW) ang privacy sa pagkawala nito.

Batay sa inisyal na impormasyon, nagpaalam ang Pinay OFW sa kaniyang amo na aalis ito sa araw ng kanyang day off at hindi na ito bumalik.

Dito na ini-report ng kaniyang amo sa mga police na nawawala si Nery.

Sa ngayon, wala pang opisyal na impormasyon kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng Pinay OFW. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us