Embahada ng Pilipinas sa Italya, pinayuhan ang mga Pilipino na mag-ingat vs. heat wave

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng abiso ang Embahada ng Pilipinas sa Italya at pinag-iingat ang mga Pilipino laban sa init na dulot ng heat wave.

Batay sa inilabas na heat wave bulletin ng Italian Ministry of Health, ilang lungsod sa Italya ang nakataas sa red alert level kung saan aabot sa hanggang 40 degrees Celsius ang temperature, at maaari pa itong tumagal ng ilang araw.

Pinapayuhan ang lahat ng mga Pilipino sa Italya, lalo na ang mga matatanda, sanggol, bata, at mga buntis na mag-ingat at umiwas sa mga negatibong epektong dulot ng mainit na panahon. Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, nasa 197,868 ang bilang ng mga overseas Filipinos sa Italya at wala pang Pilipino ang naaapektuhan ng heatwave sa Italya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us