Pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office ang bagong tayong Child Development Center sa Santos Homes 2 Complex sa Barangay Pulang Lupa Uno.
Dumalo sa nasabing okasyon sina Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar at City Councilor John Jess Bustamante.
Ang Child Development Center ay nakahandang magbigay ng ligtas at mapag-arugang kapaligiran para sa mga maliliit na bata, na nagpapadali sa kanilang paglaki at pag-unlad sa iba’t-ibang aspeto ng kanilang buhay.
Ayon sa bise alkalde, mahalaga ang papel ng mga CDC sa paghubog sa kinabukasan ng komunidad sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng early childhood education, social skills, at emotional well-being.
Dagdag pa nito, ang pagbubukas ng nasabing Child Development Center ay patunay ng pagtutulungan ng mga lokal na awtoridad at ng komunidad. | ulat ni Gab Humilde Villegas
📸: Las Piñas PIO