Lawyers for Commuters’ Safety and Protection, tutol sa hirit na taas pasahe sa MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi rin sang-ayon ang Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) sa muling inihihirit na fare hike o taas pasahe sa Metro Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3)

Ayon kay Atty. Ariel Inton, Presidente ng LCSP, kung maaprubahan ang dagdag-pasahe, magiging dagdag na kalbaryo ito para sa mga pasahero lalo’t karamihan pa naman ng nagko-commute ay mga manggagawa.

Dagdag pa nito, hindi dapat ikatwiran lang ang matagal nang hindi pagpapatupad ng taas-pasahe sa tren dahil kailangang isaalang-alang din ang economic status ng mamamayan.

Kaugnay nito, nanawagan ang LCSP kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mag-intervene at i-defer na muna ang anumang balak na pagtaas ng pasahe sa MRT-3.

Iminungkahi rin ni Atty. Inton na ikonsidera na lang ang pagdagdag ng subsidiya sa MRT-3 para hindi na ito ipasa pa sa mga commuter.

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na makatwiran ang petisyon ng MRT-3 dahil sunod-sunod na rin naman ang pagsasaayos at rehabilitasyon sa railways at matagal na rin bago nagkaroon ng pagbabago sa pasahe sa tren. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us