Legality ng planong paglilipat ng PhilHealth sa Office of the President ng ‘di dumadaan sa Kongreso, pinag-aaralan ni Sen. Hontiveros

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan pa ni Senador Risa Hontiveros kung kakailanganin pa ng isang batas para mailipat sa Office of the President (OP) ang pangangasiwa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa kasalukuyan kasi, nasa Department of Health (DOH) ang mandato ng pamamahala sa PhilHealth.

Ipinaliwanag ni Hontiveros na sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) law, may klarong mandato ang PhilHealth at nakasaad doon na ang PhilHealth ay attached agency ng Department of Health (DOH).

Pinunto pa ng senador, na ang mga bagay na nakasaad sa batas ay hindi pwedeng baguhin ng hindi dumadaan sa kongreso kabilang na dito ang organizational structure ng isang ahensya.

Binigyang diin rin ng deputy minority leader, na ang expertise ng ahensya bilang health insurance arm ng gobyerno ay wala naman sa OP, kung hindi nasa ublic heatlh authorities ng bansa.

Kaya naman umaasa si Hontiveros, na mananatili sa DOH ang PhilHealth at patuloy na lang na linisin ang mga bitin pang problema sa pangangasiwa nito, at huwag nang i-expose sa political patronage. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us