Mambabatas, pinatitiyak na maisasama ang funding requirement ng mga bagong batas sa 2024 proposed National Budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala si House Deputy Majority Leader Alfred Delos Santos sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking kasama ang funding requirement para sa mga bago at lalagdaang batas sa isusumiteng 2024 National Expenditure Program.

Ayon sa mambabatas, para epektibong maipatupad ang isang batas, ay kailangan din na masiguro na mayroong pondo para dito.

Dagdag pa ng Ang Probinsyano Party-list solon, mayroong sapat na panahon ang implementing agencies sa pangunguna ng DBM para tukuyin kung magkano ang kakailanganing paunang pondo para sa implementasyon ng mga magiging bagong batas bago ito tuluyang isumite sa Kamara.

Halimbawa na lamang aniya ng mga inaasahang panukala na malapit nang maging batas ay ang Bureau of Immigration Modernization Act, Philippine Center for Disease Control Act, Veterans Disability Pension Act, at Condonation of Unpaid CARP Loans Act.

“The implementing agencies were thoroughly consulted while the laws were still bills going through the legislative pipeline, so they are quite aware of the budget implications of each bill. It is now a matter of follow-up and thoroughness on their part because Congress has done its part,” ani Delos Santos. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us