Pabigas para sa mga senior citizen, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na maamyendahan ang Expanded Senior Citizens Act at bigyan ng dagdag pang benepisyo ang mga senior citizen.

Sa House Bill 6787 ni Parañaque City Representative Edwin Olivarez, ang mga senior citizen ay pinabibigyan ng food subsidy sa pamamagitan ng pamamahagi ng isang sakong bigas.

Ang pamamahagi nito ay pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at isasagawa kada tatlong buwan.

Ayon kay Olivarez, paraan ito upang matulungan ang mga lolo at lola na matugunan ang kanilang batayang pangangailangan lalo at limitado na ang kanilang financial capacity. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us