Pagkalat ng mga tinatawag na “renegade Priest,” ibinabala ng isang Obispo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinabala ng isang Obispo ng Simbahang Katolika sa mga Pari ang pag-iikot ng isang grupo ng mga tinatawag na renegade Priest.

Ayon kay Albay Bishop Joel Baylon, hindi kinikilala ng simbahan ang grupo na kung tawagin ay Missionary Society of Saints Peter and Paul.

Sinabi ni Bishop Baylon, hindi na aktibo sa kanilang ministry ang naturang grupo at wala itong basbas para kumilos sa ngalan ng simbahan.

Dahil dito, sinabi ng Obispo na sinumang pari na aanib sa naturang kongregasyon ay maaaring masuspinde sa kanilang tungkulin bilang pari.

Pagbabawalan din ang mga ito na gampanan ang kanilang tungkulin bilang pari tulad ng pagsasagawa ng sakramento, at hindi rin sila maaaring manguna sa mga misa.

Una rito, nakatanggap si Bishop Baylon ng mga ulat mula sa kaniyang Diocese na umiikot sa kanila ang grupo upang manghikayat ng mga pari sa pamamagitan ng acceptance rite, kung saan tinatanggap din nito maging ang mga paring may asawa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us