PH Coast Guard at Indian Government, tiniyak ang ugnayan para sa pagpapalakas ng maritime environment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ng Pamahalaan ng India ang kanilang kahandaang tumulong sa Pilipinas para palakasin at tiyakin ang isang ligtas na maritime environment

Ito ang inihayag ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran makaraang magsagawa ito ng courtesy call kay Philippine Coast Guard Commandant, Adm. Artemio Abu.

Tinalakay sa pagpupulong ang pakikipagtulungan at kolaborasyon ng Coast Guard sa Embahada ng India sa Pilipinas, partikular sa maritime preparation at pagpapatatag ng secure maritime environment.

Kasunod nito, nagkasundo rin ang dalawang opisyal sa pagtatatag ng mga prayoridad, kapabilidad, awtoridad at limitasyon gayundin ang mga proseso sa pagpapakalat ng kamalayan at pagpapatupad ng batas.

Inilatag din ng dalawang opisyal ang mga posibleng proseso sa pagpapalitan ng mga datos at pagtukoy sa mga banta. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us