PhilHealth yearly dialysis coverage, mas pinalawig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na palalawigin pa ang hemodialysis coverage para sa mga miyembro nito simula ngayong taon.

Ayon sa PhilHealth, mula sa 90 sessions ay magiging 156 sessions na ang maaaring i-avail na benefit package ng mga miyembro nito at kanilang kwalipikadong dependents na na-diagnose ng chronic kidney disease stage 5.

Kinakailangan lamang na ang pasyente ay nakarehistro sa PhilHealth Dialysis Database bago i-avail ang naturang package.

Paliwanag pa ng PhilHealth, ang kabuang 156 sessions ay alinsunod sa kasalukuyang standards para sa tatlong session ng hemodialysis kada linggo sa loob ng isang taon.

Ito ay katumbas ng ₱2,600 kada session o ₱405, 600 ang maaaring i-avail ng mga miyembro na may chronic kidney disease stage 5.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma, ang pagpapalawig ng benepisyo para sa hemodialysis ay patunay na ang PhilHealth ay nakikinig sa panawagan ng mga miyembro nito.

Ang naturang benefit package ay epektibo simula nitong June 22, 2023. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us