Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi sinang-ayunan ni Senador Raffy Tulfo ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan na ng buwis ang mga chi-chirya sa susunod na taon.

Para kay Tulfo, anti-poor ang nasabing plano dahil ang mga chi-chirya ay ang abot-kayang merienda ng mga mahihirap, at minsan pa aniya ay ginagawang ulam ng mga kababayan nating nasa poorest of the poor.

Giit ng senador, kung layong makalikom ng dagdag na kita para sa kaban ng bayan ang dapat punteryahin ay ang mga luxury item gaya ng food supplements, protein bars, energy bars, slimming drinks pati na ang cosmetic products.

Aniya, ang food supplements at cosmetic products ay mga multi-billion pesos industry kaya naman makatitiyak ang BIR na bilyones din ang malilikom na buwis mula dito.

Pagdating naman sa pagsang-ayon ng Department of Health (DOH) sa plano, dahil anila sa high sodium contents ng mga chi-chirya na pwedeng maging sanhi ng diabetes at obesity…

Sinabi ng mambabatas, na dapat ay kausapin na lang ang mga manufacturer na babaan ang paghalo ng sodium sa kanilang mga produkto.

Gaya aniya sa Singapore, na nakahanap ng low sodium substitute ang manufacturers para sa ilan nilang mga processed food product doon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us