Hati ang pananaw ng publiko sa panukalang Maharlika Investment Fund na ngayon ay pirma na lang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kulang bago maisabatas.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumalabas na 20% ng Pilipino adults ang nagsabing alam nila ang Maharlika Fund.
Samantala, nasa 33% naman ang hindi masyadong pamilyar sa MWF, habang mayorya o 47% ang halos walang alam dito.
Mataas ang porsyento ng mga nakakaalam sa Maharlika Fund sa Metro Manila at Balance Luzon.
Samantala, 51% naman ng mga respondent ang nagsabing wala silang inaasahang pakinabang ng Pilipinas mula sa Maharlika Wealth Fund (MWF) kung sakaling matuloy ito habang 46% naman ang umaasang magbubunga ito ng maganda.
Halos hati rin ang opinyon ng respondents pagdating sa pagtitiwalang hindi mauuwi sa korupsyon ang Maharlika Fund.
Ayon sa SWS, nasa katumbas ng 32% ng mga Pilipino ang mataas ang kumpiyansa sa MWF, 38% naman ang undecided, habang nasa 11% ang walang tiwala sa pondo.
Isinagawa ang naturang survey noong March 26-29 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults (18 years old and above) nationwide. | ulat ni Merry Ann Bastasa