Nasa 200 Transport Cooperatives at Corporations ang nakibahagi sa ikinasang
Transport Forum bilang suporta sa pagtutulak ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ang naturang transport forum ay bahagi ng Philippine Commercial Vehicle Show 2023 na idinaos sa SMX Convention Center sa lungsod ng Pasay.
Dinaluhan ito ni Sentor Sherwin Gatchalian, Department of Transportation Assistant Secretary James Andres Melad, LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo, National Chairman of National Federation of the Transport Cooperative Mr. Edumundo Cadavona, at mga transport coop na bahagi na ng kooperatiba.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nilalayon ng forum na mapakita ang mga produkto at serbisyo na maaaring makatulong sa mga Transport Consolidated Entities para sa pag modernize ng kanilang fleet.
Bukod dito, kasama rin sa adhikain nito na matalakay at matugunan ang mga kinakaharap na isyu ng transport stakeholders. | ulat ni Merry Ann Bastasa