MMDA at MMC, planong maglagay ng rain catchment system sa mga paaralan at barangay para matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Council na maglagay ng modular rain catchment system sa mga paaralan at barangay bago matapos ang taon. Ito ay bahagi ng hakbang para matugunan ang banta sa krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño. Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makatutulong ito upang… Continue reading MMDA at MMC, planong maglagay ng rain catchment system sa mga paaralan at barangay para matugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig

Mahigit 4.5 milyong indibidwal, naapektuhan ng bagyo at habagat — NDRRMC

Sumampa na sa mahigit 1.2 milyong pamilya o mahigit 4.5 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay at habagat sa bansa. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa 14 rehiyon. Pansamantala pa ring sumisilong ang 9,087 pamilya o 32,081 indibidwal sa 405 evacuation centers. Nananatili sa… Continue reading Mahigit 4.5 milyong indibidwal, naapektuhan ng bagyo at habagat — NDRRMC

Barangay Development Program, dapat dagdagan ng pondo — Presidential Adviser for Poverty Alleviation

Naniniwala si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon na dapat dagdagan ang pondo ng Barangay Development Program (BDP). Sa regular na pulong-balitaan ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) “Tagged: Reloaded” kahapon, sinabi ni Gadon na malaki ang naitulong ng BDP para tugunan ang problema ng kahirapan, na… Continue reading Barangay Development Program, dapat dagdagan ng pondo — Presidential Adviser for Poverty Alleviation

Sunod na hakbang ni PBBM hinggil sa insidente sa Ayungin Shoal, suportado ni Speaker Romualdez

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na konsultahin ang hanay ng militar kaugnay sa insidente sa Ayungin Shoal. Matatandaan na nitong August 5, binomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang Philippine Coast Guard at civilian vessel na nagdadala ng suplay sa mga sundalong nakadestino sa BRP… Continue reading Sunod na hakbang ni PBBM hinggil sa insidente sa Ayungin Shoal, suportado ni Speaker Romualdez

EcoWaste, muling nagpaalala sa mga magulang na maging mapanuri sa pagbili ng school supplies

Ilang linggo bago ang pagbubukas ng klase ay muling pinaalalahanan ng toxics watchdog group EcoWaste Coalition ang mga magulang na maging mapanuri sa pamimili ng school supplies ng mga mag-aaral. Ayon sa Ecowaste, dapat na isaalang-alang sa pagbili ng school supplies ang mga kagamitang walang toxic chemicals at hindi mapanganib sa mga bata. Sa inilabas… Continue reading EcoWaste, muling nagpaalala sa mga magulang na maging mapanuri sa pagbili ng school supplies

Standby na pondo ng DSWD para sa mga susunod pang kalamidad, higit ₱2-B pa

Aabot pa sa ₱2.2-bilyon ang nakahandang standby na pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) pantugon sa mga susunod na kalamidad sa bansa. Sa datos ng DSWD, nasa ₱482-million pa ang standby funds at quick response fund na available sa Central Office at mga Field Offices. Bukod dito, mayroon ding higit sa ₱1.7-bilyong… Continue reading Standby na pondo ng DSWD para sa mga susunod pang kalamidad, higit ₱2-B pa

Dating DILG Usec. Martin Diño, pumanaw na

Pumanaw na si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño. Inanunsyo ito sa isang Facebook post ng kanyang anak na si Liza Diño-Seguerra. Sa inilabas nitong pahayag, sinabi ni Seguerra na pumanaw ang kanyang ama kaninang alas-2:15 ng madaling araw, kasama ang mga mahal sa buhay. Nagbalik… Continue reading Dating DILG Usec. Martin Diño, pumanaw na

Ilang jeepney driver sa QC, iba-iba ang pananaw sa binubuhay na ‘surge fee’ tuwing rush hour

Magkakaiba ang pananaw ng ilang mga jeepney driver sa Quezon City sa binubuhay na hirit na ‘surge fee’ sa pamasahe tuwing rush hour. Itinutulak ng transport group na Pasang Masda ang P1 dagdag-singil sa pasahe bilang “surge fee” tuwing rush hour o mula 5 a.m. hanggang 8 a.m., at mula 5 p.m. hanggang 8 p.m.… Continue reading Ilang jeepney driver sa QC, iba-iba ang pananaw sa binubuhay na ‘surge fee’ tuwing rush hour

Joint patrol ng Pilipinas, iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, nirekomenda ni Senate President Zubiri

Iminungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pagsasagawa ng joint patrol ng Pilipinas kasama ang mga kaalyadong bansa. Kabilang ito sa mga inihalimbawa ng senador na mga hakbang na maaaring gawin ng gobyerno para matugunan ang pambu-bully at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea. Sa isang privilege speech, muling ipinahayag ni Zubiri ang… Continue reading Joint patrol ng Pilipinas, iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, nirekomenda ni Senate President Zubiri

Pagbabakuna ng bivalent vaccine sa Kamara, sisimulan sa August 10

Sisimulan na ng Kamara ang pamamahagi ng libreng bivalent COVID-19 vaccine bilang bahagi ng Congvax program nito. Gagawin ang vaccination sa August 10 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Bukas ito para sa lahat ng House Members, secretariat, at empleyado, mapa contractual, consultant, coterminous, at congressional staff. Kasama rin pati ang mga service… Continue reading Pagbabakuna ng bivalent vaccine sa Kamara, sisimulan sa August 10