DepEd, hinimok na bumuo ng malinaw na panuntunan pagdating sa ‘emergency transfer’ ng mga mag-aaral na apektado ng kalamidad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinatigan ng House Committee on Basic Education and Culture ang resolusyon na humihimok sa Department of Education (DepEd) na maglatag ng guidelines para sa “emergency transfer” ng mga estudyanteng apektado ng mga man-made o natural calamity sa bansa.

Pagbigigay diin ni Pasig Representative Roman Romulo, chair ng komite, nilalayon ng House Resolution 1059 na hindi na pahirapan ang mga estudyante na kailangan lumipat ng paaralan dahil sa kalamidad.

Isa sa inihalimbawa nito ang Marawi Siege kung saan naging pahirapan ang pag-transfer ng eskuwelahan dahil sa hinihinging mga dokumento.

Paglilinaw naman ni DepEd Director Christian Rivero, tinatanggap naman ng mga eskuwelahan ang transferee kahit hindi kumpleto ang dokumento.

Ang nagkakaroon lamang aniya ng problema ay kung mula ang estudyante sa private school kung saan may outstanding obligation o utang pa ang bata kaya hindi mailabas ang Form 137 nito.

Pagsisiguro naman ni Rivero na bibigyan ng kopya ng DepEd ang komite ng binubuo nilang guidelines tungkol sa emergency transfer na inaasahan nilang matatapos ngayong Agosto. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us