Libo-libo na ang nabuong by-products ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Brick Making Facility nito sa Vitas Pumping Station sa Tondo, Manila.
Ayon sa MMDA, umabot na sa 60,607 na ecobricks ang nabuo mula sa 82 cubic meters na plastic waste at glass bottles na kanilang nakoleta.
Habang umabot din sa, 4,737 na hollow blocks at 216 na barriers ang nagawa na ipinamahagi naman sa mga proyekto at pasilidad ng ahensya sa iba’t ibang barangay.
Ang Brick Making Facility ay inisiyatiba ng MMDA bilang suporta sa Metro Manila Flood Management Project.
Layon nitong mabawasan ang mga pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga solid waste sa mga daluyan ng tubig. | ulat ni Diane Lear