‘Multi-homing’ ng riders, pinuna ng mga mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasilip ng House Committee on Transportation ang multi-homing o pagta-trabaho ng mga rider sa dalawa o tatlong motorcycle company na bahagi ng pilot study program.

Sa motu proprio inquiry ng Komite sa implementasyopn ng Motorcycle Taxi Pilot study program ng DOTr, nausisa ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung pinapayagan ba ng mga motorcycle taxi company ang sabayang pag-onboard ng kanilang mga rider.

Nababahala si Castro na kung ganito ang kalakaran ay hindi matitiyak ang responsibilidad o accountability sakaling may madisgrasyang mananakay.

Tugon ng Joyride at Angkas, batay sa guidelines ng pilot study, hindi pinapayagan ang sabayang pagta-trabaho ng isang rider sa magkakaibang motorcycle taxi company.

Pero aminado ang mga ito, hindi nila nababantayan ang kanilang mga rider.

Ani naman ni Antipolo Rep. Romeo Acop na chair ng Komite, sila mismong mga mambabatas ay alam ang ganitong kalakaran dahil mismong kanilang mga constituent ay riders.

“What guarantee do you have that your riders do not also participate sa other groups? What guarantee do you have?” tanong ni Acop.

“We do not, your honor.” sagot ng Joyride.

“Kasi nangyayari talaga e. And I do not know, why you do not know. And we know it for a fact. Kasi constituents namin yung mga riders e.” dagdag ng Antipolo solon.

Tinukoy naman ni Abang Lingkod party-list Rep. Joseph Stephen Paduano na sa mismong guidelines ng pilot study ay nakasaad na ang isang rider ay sa isang ride hailing company lamang dapat nakarehistro.

Diin ni Paduano, kahit pa pilot study program pa lamang ito, dapat ay sinusunod pa rin ang inilatag na guidelines.

“The operations supposedly, though this is just a pilot project, dapat sinusunod natin yung guidelines. Number 1 guideline ‘riders shall be registered under one ride hailing platform only…kaya nga may guidelines na dapat sundin…’di may violations sa guidelines.” ani Paduano. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us