NEDA, tiniyak na ang mga istratehiya na nakapaloob sa PDP 2023-2028, makatutulong sa pag-abot ng socioeconomic agenda ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ginanap na presentasyon ng Development Budget Coordination Committee ng panukalang P5.7 trillion national budget para sa 2024 sa mga miyembro ng Committee on Appropriation sa Kongreso.

Tiniyak ni National Economic and Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa mga mambabatas na ang PDP ay magsisilbing gabay ng pamahalaan sa paglalagak ng mga pondo sa iba’t ibang mga programa at proyekto na makatutulong sa pag-abot ng socioeconomic agenda ng gobyerno.

Ani Balisacan, bagamat may mga hamon sa pag-abot nito gaya ng pagtaas ng inflation, mataas na presyo ng mga bilihin, at epekto ng El Nino na maaaring magpababa sa produksyon sa agrikultura.

Kaugnay nito ay pabibilisin ang pagsasagawa ng mga programa at proyekto, kabilang na ang pagbibigay ng mga serbisyo sa ilalim ng 2023 national budget sa mga susunod na buwan para makarekober ang growth momentum ng bansa.

Ayon pa kay Balisacan, kabilang sa mga priority project na popondohan ng panukalang national budget para sa 2024 ay mga programa at proyekto na may kaugnayan sa pagtitiyak ng food security, pagtugon sa learning losses ng mga mag-aaral, pagpapalakas sa health sector, at pagpapataas ng pondo para sa social protection. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us