NEDA, tututukan ang pagpapahusay ng labor sector sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng National Economic and Development Authority o NEDA na tututukan nito ang pagpapahusay pa ng labor sector ng bansa.

Kasunod ito ng naging report ng Philppine Statistics Authority o PSA na tumaas sa 95.5% ang employment rate sa Pilipinas noong June 2023.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nakatuon na ang Marcos administration sa pagbibigay ng training at upskilling upang mas tumaas ang employability ng mga Pilipino sa mga trabahong mas mataas ang pasahod.

Dagdag pa ng kalihim, mahalaga ang pag-modernize ng mga training at vocational education facilities upang maging up-to-date at competitive ang labor sector ng Pilipinas sa gitna ng mga bagong teknolohiya at industriya sa merkado. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us