Operasyon ng mga wooden motor banca, dapat nang ipatigil — Senador Raffy Tulfo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Raffy Tulfo na hindi dapat payagang makapaglayag ang mga motor banca na gawa sa kahoy hangga’t hindi naiinspeksyon o nasusuri ang sea worthiness nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services tungkol sa pagtaob ng MB Princess Aya sa Binangonan, Rizal noong July 27; na ikinasawi ng 27 katao, ipinunto ni Tulfo na sa ngayon kasi ay tila walang sinusunod na standards ang mga gumagawa ng motor banca.

Sa impormasyon ng senador, ay basta lang nag-iisyu ng certificate of public compliance (CPC) ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga gumagawa ng motor banca nang hindi personal na tinitingnan o iniinspeksyon ang bangka.

Ipinunto pa ng mamabbatas, na taong 2016 pa naglabas ng kautusan ang MARINA na nagsasabing dapat gawa na sa steel o fiber glass ang mga motor banca at dapat phase out na ang mga gawa sa kahoy.

Hanggang 2020 ay dapat na ganap na itong napatupad.

Katwiran naman ng MARINA, kulang sa land transportation ang lugar kaya pinayagan nila na pagkalooban ng tatlong taong extension para makapag-operate ang MB Aya Express.

Pero ayon sa mga senador, maraming buhay ang naging kapalit sa pagpapahintulot ng MARINA na makapag-operate ang motor banca na yari sa kahoy. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us