Sisimulan na ng Kamara ang pamamahagi ng libreng bivalent COVID-19 vaccine bilang bahagi ng Congvax program nito.
Gagawin ang vaccination sa August 10 mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Bukas ito para sa lahat ng House Members, secretariat, at empleyado, mapa contractual, consultant, coterminous, at congressional staff.
Kasama rin pati ang mga service provider at attached agencies at kani-kanilang dependents na edad 18 pataas.
Kailangan naman na lumipas na ang apat na buwan mula sa huling COVID-19 vaccination at nakatanggap na ng primary dose.
Hindi naman maaaring magpabakuna kung tumanggap o tatanggap ng iba pang bakuna gaya ng flu o pneumonia vaccine sa loob ng dalawang linggo. | ulat ni Kathleen Jean Forbes