Pagbubukas ng Philippine Book Festival, dinaluhan ni Vice President Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumalo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagbubukas ng Philippine Book Festival sa SMX Convention Center, sa Davao City ngayong araw.

Ito ang pinakamalaking travelling book sa bansa na tampok ang mga libro na sinulat ng mga Pilipino.

Sa talumpati ni VP Sara, sinabi nitong malaki ang kontribusyon ng Philippine Book Festival sa adhikain ng MATATAG Curriculum na nakasentro sa basic competencies katulad ng pagsusulat at pagbabasa.

Aniya, sinusuportahan niya ang layunin nito na isulong ang yaman ng kultura, kasaysayan, at wika ng bansa.

Pinuri rin ng Pangalawang Pangulo ang mahalagang papel ng National Book Development Board na sangay na ahensya ng Department of Education, sa kanilang pagpapahalaga sa papel ng publishing industry sa edukasyon ng mga Pilipino.

Tinatayang 2,000 authors, publishers, readers, at guests mula sa buong bansa ang dumalo sa aktibidad para ipagdiwang ang Filipino books, Philippine literature, at culture. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us