Mariing kinondena ng Western Mindanao Command (WestMinCom) ang pananambang ng armadong grupo kay Ungkaya Pukan Vice Mayor Ahmadin Baharim at mga tropa ng gobyerno sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan nitong Sabado.
Nagsasagawa ng occular inspection para sa outreach program sa lugar ang vice mayor kasama ang mga sundalo ng 64th Infantry Battalion at mga pulis ng Joint Peace and Security Team (JPST) nang pagbabarilin ng tinatayang 10 armadong tao bandang 3:45 ng hapon nitong Sabado.
Sa nangyaring palitan ng putok na tumagal ng limang minuto, isang sundalo ang nasawi, at anim pang sundalo at isang pulis ang sugatan.
Sa isang statement, sinabi ng WestMinCom na ang pag-atake ay pagpapakita ng kawalan ng respeto ng mga salarin sa pamahalaan at mga mamamayan ng Basilan.
Tiniyak ng WestMinCom na hindi nila palalampasin ang insidente at pananagutin ang mga responsable. | ulat ni Leo Sarne
📸: Google map